Sino Siya Kagitingan ng Kababaihan Lisa Balando (1949-1971) Lisa Balando. Di pamilyar ang pangalang ito sa kasalukuyang henerasyon ng mga aktista na lumaki sa ilalim ng batas militar. Sa mga madidilaw at maalikabok na pahina ng mga pahayagan ng buwan ng Mayo 1971 lamang matutunghayan ang maikling salaysay kay Lisa Balando, unyonista at isa sa kauna-unahang martir ng mga manggagawang kababaihan ng bagong pambansa-demokratikong rebolusyon.
Pangkaraniwan lamang ang kwento ng buhay ni Elsa (tunay niyang pangalan). Panganay siya sa tatlong magkakapatid na binuhay at pinalaki ng kanilang mga magulang na sina Lamberto at Engracia, mula sa pakikipagbuno sa mga bukirin ng Barrio Parayan, Catubig, Samar. Palibhasa'y nangarap na makawala sa gapos ng kahirapan, nakipagsapalaran si Lisa sa magulong lunsod sa murang edad na 17. Doon n'ya hahanapin ang ayon sa kanya'y swerte. Tulad ng maraming mga bagong salta sa Kamaynilaan, namasukan si Lisa bilang isang katulong sa tahanan ni Major Honorato Pedro ng Philippine Constabulary Band sa Camp Crame. Pagkaraan ng isang taon, umalis siya roon at sinubukan naman niyang magtrabaho bilang saleslady sa isang tindahan. Lumipas ang dalawang taon at sa paghahangad na umasenso nang kahit kaunti ay pumasok siya bilang manggagawa sa Rossini's Knitwear and Winter Garments sa Caloocan. Sa yugtong ito ng kanyang buhay, hindi na magiging pangkaraniwan ang dati-rati'y simpleng katauhan ni Lisa. Ang di-makatarungang kondisyon sa paggawa sa loob ng pabrika na tiniis niya sa loob ng tatlong taon ay nagbunsod kay Lisa at sa iba pa niyang mga kasama na mag-organisa ng unyon. Pinamunuan niya ang kauna-unahang welga sa Rossini's na pumutok noong Abril 23, 1971. Naging mabilis ang paglalim ng kamulatan ni Lisa. Mula sa mga usapin sa loob ng pabrika ay naunawaan din niya ang mga usaping panlipunan. Tinumbasan niya ang kaalamang ito ng ibayong pagkilos. Lumahok siya sa mga demonstrasyon, rali, martsa at aklasan ng mga manggagawa, kabataan at iba pang sektor ng lipunan sa panahon ng makasaysayang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970. Subalit di pala patatagalin ng mga pasista ang pakikipagtunggali ni Lisa Balando. Mayo 1, 1971, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, isang sagradong araw ng mga manggagawa sa buong daigdig, nang siya'y pinaslang. Mahigit na dalawang libong manggagawa, estudyante at kabataan ang nagtipon sa harapan ng gusali ng Kongreso sa Maynila upang ipaabot sa mga mambabatas ang kanilang mga hinaing. Mapayapang nagpoprograma ang mga demonstrador. Sa improvised na entablado ay mapapanood ang mga kasapi ng Sining Kamanyang, isang grupong pangkultura ng mga militanteng kabataan sa Tundo. Naghahagis sila sa ere ng mga kahoy na armalite na animo'y tunay na mga baril. Nagpalakpakan ang mga demonstrador. Pero maya-maya ay biglang nagsimula ang mga putukan. Nang mahawi ang usok, tatlo ang patay at 15 ang iba pang sugatan. Isa si Lisa Balando sa mga binawian ng buhay. Kasama sa namatay sina Richard Escarta at Ferdinand Oiang. Sila ang ilan lamang sa mga unang biktima ng pasistang rehimen ni Marcos. Nararamdaman marahil ni Lisa ang panganib sa araw na iyon ngunit nagpatuloy pa rin siyang nanindigan. Ilang oras bago siya masawi ay sumulat siya ng liham sa kapirasong papel at nilagdaan niya ng Paalam Bayan, Paalam, Mama, Papa. Pinabaunan si Lisa ng mga rebolusyonaryong awitin at mga luha ng pagdadalamhati ng mga naghatid sa kanya sa North Harbor. Habang inilululan sa MV Venus ang kanyang simpleng kabaong ay naalala ng mga kasama ni Lisa ang kanyang kabutihan. Mapagkumbaba, mahaba ang pasensya subalit determinado. Tagaayos ng mga alitan ng kanyang mga kamanggagawang babae. Narito ang isang pahayag mula kay Ma. Lorena Barros, ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) at isa ring martir ng kilusang makabayan sa panahon ng pasistang diktadurang Marcos: "Ipinagluluksa natin ang pagkamatay ng isang magiting na babae, si Lisa Balando ng Rossini's Knitwear na kamakailan lamang ay namuno sa mga kapwa niya manggagawa sa isang matagumpay na welga. Di natin malilimutan si Lisa dahil sa kabayanihang ipinakita niya sa harap ng kamatayan, samantalang ang mga pumaslang sa kanya ay kikilalaning mga Hitler ng makabagong panahon." Patuloy na maglalagablab ang minsa'y winika ni Lisa: "Kamatayan lamang ang makapipigil sa akin upang tapusin ang martsa." Kinalap ni: Joey Cunanan
Sa nabanggit na pelikula, buong inam at husay na ginampanan ni Monica Belluchi ang kanyang role, bilang isang babae na naging biktima ng pagkakataon. Hindi lingid sa ating kapanahunan na may mga ganitong kahalintulad na mga pangyayari. Mga babaing sadyang pinagkalooban ni Bathala ng labis at higit pa na kagandahan na nararapat taglayin ng isang babae. Sa ibang termino, “sinahod” lahat ng kagandahan isinabog ni Bathala. Kalimitan sila ang tampulan ng tukso at pang-uuyam ng maraming taong nakapaligid sa kanila, na kesyo malandi, makiri at madaling makakapag-asawa dahil habulin ng mga lalake. Ngunit sino ba ang dapat sisihin sa taglay nilang kagandahan? Ang kanila bang mga magulang? Si Bathala? O sila mismo na may katawan? Si Malena, sang-ayon sa kuwento ay buhat sa isang mahirap na pamilya, hindi malinaw kung bakit siya napakasal sa isang sundalo, marahil “arranged marriage” ang nangyari (dahil doon sa larawan ng kanilang kasal, hindi gaanong kaguwapuhan ang kaniyang naging asawa, at isa pa, mukhang may edad na ang lalake). Hindi rin sinabi kung may nanay pa siya o mga kapatid. Ang kanyang kasalukuyang lugar sa kuwento ng pelikula ay isang bagay rin na puwedeng pagmulan ng diskusyon. Marami sa mga taong naninirahan doon ay magkakakilala, hindi ubra na umutot ka na hindi nila malalaman o “maaamoy”. Tila totoo ang kasabihang Pinoy na “may tainga ang lupa, may pakpak ang balita”. Madaling nalaman ng buong baranggay ang pagiging anak-dalita ni Malena, ang kanyang pagiging kalaguyo na umabot sa korte ang usapin, pati na ang kanyang pagiging biyuda (dahil agad natapos ang role ni Lt. Scordia na hindi man lamang naipapakita kung sino siya at kung ano ang kaya niyang gampanan sa pelikula). Dumating ang mga kalalakihan upang “makiramay”, ngunit hindi naman talaga ito ang pakay nila. Kanya-kanya sila ng alok, pati na si Ernesto ay nakidamay na rin. Pero iba ang dating ng kanyang (ni Ernesto) kilos, naging matured kaagad siya sa pelikula. Maging si Malena ay napilitan nang “mag-iba” ng direksiyon o pagtingin sa buhay (yung pagputol niya ng kanyang mahabang buhok), dahil naisip niyang wala nang kakalinga sa kanya. Kung noong una’y pinagpapantasyahan niya si Malena, biglang nag-iba ang kanyang pagtingin, humahanga na siya rito o “umiibig”(?!). Buong ingat na nailagay ang mga eksenang hindi angkop sa panlasa ng mga bata, lumabas na hindi naging laruan ang babaing bida at hindi siya nasalaula sa nasabing pelikula. Hindi ito katulad ng usapin tungkol sa demanda ni Abby Viduya (a.k.a Priscilla Almeda) na di-umano’y ginamit ang kanyang katawan ng Seiko Films upang kumita ang kanilang mga pelikula. Narito sa gawing ibaba ang ilang paghahambing:
Malena ibang kababaihan (sabi nila kay malena) - maganda - maganda rin - pustoryosa - di marunong mag-ayos/nang-aakit - makinis ang balat - maarte, mapera - seksi - malandi - habulin ng mga lalaki - pokpok - balo - naghahanap ng bagong kandungan
Ang ilang mga nabanggit na katotohanan ay sumasalamin sa kung anong uri ng lipunan mayroon tayo; mapag-imbot, mainggitin at makasarili. Hindi nito kinalulugdan ang makakita ng iba na umuunlad o gumaganda ang buhay, maging ang pagkatao. Sa gawing hulihan ng kuwento na kung saan mas maraming tao ang nadadawit sa pangalan ni Malena (abogado, dentista, sundalo), binansagan siyang “puta” ng mga kababaihan, lalo na nang wala na siyang makain, napilitan na siyang “kumapit sa patalim” para lamang mabuhay. Dumating din ang isang pagkakataon na pati mga “kalaban” nilang mga Aleman ay pinatulan na niya, upang hindi magutom, lalo pang nagging kumplikado ang usapin sa buhay ni Malena. Isang malungkot na tagpo ay nang si Malena ay hubaran, saktan, alipustahin, murahin at kulang na lamang ay patayin nang matalo at mapaalis na ang mga mananakop (na mga Aleman) sa kanilang lugar. Marahil naisip ng mga kababaihan na makakaganti na sila kay Malena, kapag pangit na siya, wala nang magkakagusto sa kanya. Ilang tanong din, ano ang ginawa ng kanilang lugar sa tulad niya na balo, walang hanapbuhay? Bakit walang ginawa ang mga kalalakihan? Dahil ba sa pinagsawaan na nila sa kanilang isipan ang kaakit-akit na katawan ni Malena? Hindi ako magtataka kung bakit walang ginawa si Ernesto dahil sa dalawang (2) kadahilanan, una, dahil bata pa siya at hindi niya kakayanin ang kuyugin ng sandamakmak na mga kababaihan. Ang karutin ka ng isang babae ay masakit na, ano pa kaya kung marami silang gagawa nito? Pangalawa, ang pagkakataong maiugnay siya o ang kanyang pamilya kay Malena, na siya’y sabihan na kumakampi sa isang “pokpok”. Na magmistula siyang “knight in shining armor” effect. Ngunit ano ba ang depinisyon ng salitang “pokpok”? Sang-ayon sa www.urbandictionary.com ay salitang “pokpok” ay may dalawang pakahulugan, una, a slutty girl (taken from Tagalog slang). “A pokpok is a girl that wears glass heels”. At pangalawa, prostitution; could also mean bonking the person on the head. Alin man sa dalawang pakahulugan ang ating gamitin, hindi pa rin ito sasapat na gawing isang malaking usapin ang pagiging “pokpok”, kung hindi rin naman alam ang malinaw at malalim na kadahilanan. Isa pang tanong, bakit sa mga babae lamang pilit na iniuugnay ang salitang “pokpok”? hindi ba ubra rin ito sa mga lalaki? Hindi ba nagpapakita lamang ito ng mababang pagtingin sa mga taong ganito ang paraan ng pamumuhay lalo’t higit ang mga babae at mga batang nagiging biktima nito? Ano ang pagtugon ng ating pamahalaan? Ng ating mga simbahan? Tayong mga indibidwal? Ano ang ibinibigay natin sa kanila? Pang-unawa ba o pang-uuyam?
Submitted by : Submitted to: Joey Y. Cunanan Prof. Lizette Tapia-Raquel M. Div. III Professor
Ano nga ba ang ibig tukuyin nito? Una, maliban sa ito ay tumutukoy sa karahasan laban sa mga kababaihan (at mga bata), ito rin ay tahasang pagyurak sa kanilang karapatan na maging malaya at kapaki-pakinabang sa kanilang ginagalawang lugar at lipunan. Karahasang ramdam hindi lamang ng mga kababaihan, kundi lalo’t higit ng mga batang walang (tuwirang) kinalaman sa ganitong suliranin. Ngunit ito ang malungkot na nangyayari, ito ang katotohanang nakakubli sa likod ng naglalakihang mga istraktura, sa likod ng mga ngiting mapapait, maging sa mga komersiyal na mapanlinlang ay makikita at mararamdaman ito (kung hindi ka manhid). Sa ganitong tagpo ay nais kong gamitin ang ilang mga pananalitang hiram o banyaga sa pagtalakay ko sa nasabing paksa. The cultures of the first century treated women more like objects than as human beings. “In Greek civilization the duty of the woman was “to remain indoors and to be obedient to her husband.’ It was the sign of a good woman that she must see as little, hear as little and ask as little as possible. She had no kind of independent existence and no kind of mind of her own, and her husband could divorce her almost at caprice…” “Under the Roman law a woman had no rights. In law she remained for ever a child. When she was under her father she was under the patria potestas, the father’s power, which gave the father the right even of life and death over her; and when she married she passed equally into the power of her husband. “She was entirely subject to her husband and completely at his mercy. Cato the Censor, the typical ancient Roman wrote: “If you were to catch your wife in an act of infidelity, you can kill her with impunity without a trial’” (William Barclay, The Daily Study Bible Series, 1976, Vol. 14). Standards of the Roman world discriminated against women in other ways too. “Compared with the modern woman in today’s Western society, the Roman woman had little or no property rights. Goods or money that she could legally inherit were legally limited. She was not even allowed to leave money to her children if they were under her husband’s patria potestas” (Alvin Schmidt, How Christianity Changed the World, 2004, p. 101). In the first century, Judaism had drifted considerably from the pure practice of the religious principles of the Old Testament, which protected the rights of women. Thus in Jesus’ day, Judaism looked down on women. For example, the testimony of Jewish women was generally considered worthless, so they were generally not allowed to testify in court. This discrimination about speaking worked in reverse too. Women were not thought worthy to receive spiritual instruction. “Let the words of the Law (Torah) be burned rather that committed to a woman… If a man teaches his daughter the Law, it is though he taught her lechery” (Schmidt, p. 102). The most vulnerable human beings in a society are its infants and young children. Treatment of the young could be brutal and cold-hearted in Greco-Roman society, “infants were killed for various reasons. Those born deformed or physically frail were especially prone to being wilfully killed, often by drowning… Infant girls were especially vulnerable. For instance, in ancient Greece it was rare for even a wealthy family to raise more than one daughter” (Schmidt, p.49). In Roman culture, “a wealthy father might decide to dispose of an infant because of the desire not to divide the family property among too many offspring and thereby reduce the individual wealth of the members of the next generation” (Sarah Pomeroy, Goddesses, Whore, Wives and Slaves: Women in Classical Antiquity, 1975, p. 165). Equally cruel was the practice of abandoning infants. “If unwanted children in the Greco-Roman world were not directly killed, they were frequently abandoned-tossed away, so to speak. In the city of Rome, for instance, undesirable infants were abandoned at the base of the Columna Lactaria, so named because this was the place the state provided for wet nurses to feed some of the abandoned children” (Schmidt, p.52). Infanticide and child abandonment did not exist among Jews of the first century. Author Max Dimont shows us the contrast: “The grateful Greeks laughed at the ‘graceless’ Jew for recoiling in horror at the Greek custom of exposing an infant to death when the shape of its skull or nose did not please them” (Max Dimont, Jews, God and History, 1994, p. 108). Sa madaling pag-aanalisa, makikita natin kung paano ang ginagawang pagtrato sa mga kababaihan at mga bata noong sinaunang panahon. Ang kulturang ito ng karahasan ay magpapatuloy at magpapaikot-ikot lamang ito tulad ng isang gulong kapag wala tayong ginawang hakbang o pagkilos upang ito ay masawata, kung hindi man tuluyang mawala sa ating kultura at pagkatao. Dito nararapat na kumilos agad ang simbahan, huwag magtulug-tulugan. Saying ang maraming mga tinig ng mga kababaihan at mga batang nagging biktima ng kawalang pagkilos ng simbahan at ng mga taong nakapaloob dito. isinubmit ni: JOey Cunanan para kay: Prop. Lizette Tapia-Raquel
3 comments:
Sino Siya
Kagitingan ng Kababaihan
Lisa Balando (1949-1971)
Lisa Balando. Di pamilyar ang pangalang ito sa kasalukuyang henerasyon ng mga aktista na lumaki sa ilalim ng batas militar.
Sa mga madidilaw at maalikabok na pahina ng mga pahayagan ng buwan ng Mayo 1971 lamang matutunghayan ang maikling salaysay kay Lisa Balando, unyonista at isa sa kauna-unahang martir ng mga manggagawang kababaihan ng bagong pambansa-demokratikong rebolusyon.
Pangkaraniwan lamang ang kwento ng buhay ni Elsa (tunay niyang pangalan). Panganay siya sa tatlong magkakapatid na binuhay at pinalaki ng kanilang mga magulang na sina Lamberto at Engracia, mula sa pakikipagbuno sa mga bukirin ng Barrio Parayan, Catubig, Samar. Palibhasa'y nangarap na makawala sa gapos ng kahirapan, nakipagsapalaran si Lisa sa magulong lunsod sa murang edad na 17. Doon n'ya hahanapin ang ayon sa kanya'y swerte.
Tulad ng maraming mga bagong salta sa Kamaynilaan, namasukan si Lisa bilang isang katulong sa tahanan ni Major Honorato Pedro ng Philippine Constabulary Band sa Camp Crame. Pagkaraan ng isang taon, umalis siya roon at sinubukan naman niyang magtrabaho bilang saleslady sa isang tindahan. Lumipas ang dalawang taon at sa paghahangad na umasenso nang kahit kaunti ay pumasok siya bilang manggagawa sa Rossini's Knitwear and Winter Garments sa Caloocan.
Sa yugtong ito ng kanyang buhay, hindi na magiging pangkaraniwan ang dati-rati'y simpleng katauhan ni Lisa. Ang di-makatarungang kondisyon sa paggawa sa loob ng pabrika na tiniis niya sa loob ng tatlong taon ay nagbunsod kay Lisa at sa iba pa niyang mga kasama na mag-organisa ng unyon. Pinamunuan niya ang kauna-unahang welga sa Rossini's na pumutok noong Abril 23, 1971.
Naging mabilis ang paglalim ng kamulatan ni Lisa. Mula sa mga usapin sa loob ng pabrika ay naunawaan din niya ang mga usaping panlipunan. Tinumbasan niya ang kaalamang ito ng ibayong pagkilos. Lumahok siya sa mga demonstrasyon, rali, martsa at aklasan ng mga manggagawa, kabataan at iba pang sektor ng lipunan sa panahon ng makasaysayang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970.
Subalit di pala patatagalin ng mga pasista ang pakikipagtunggali ni Lisa Balando.
Mayo 1, 1971, Pandaigdigang Araw ng Paggawa, isang sagradong araw ng mga manggagawa sa buong daigdig, nang siya'y pinaslang. Mahigit na dalawang libong manggagawa, estudyante at kabataan ang nagtipon sa harapan ng gusali ng Kongreso sa Maynila upang ipaabot sa mga mambabatas ang kanilang mga hinaing.
Mapayapang nagpoprograma ang mga demonstrador. Sa improvised na entablado ay mapapanood ang mga kasapi ng Sining Kamanyang, isang grupong pangkultura ng mga militanteng kabataan sa Tundo. Naghahagis sila sa ere ng mga kahoy na armalite na animo'y tunay na mga baril. Nagpalakpakan ang mga demonstrador. Pero maya-maya ay biglang nagsimula ang mga putukan.
Nang mahawi ang usok, tatlo ang patay at 15 ang iba pang sugatan. Isa si Lisa Balando sa mga binawian ng buhay. Kasama sa namatay sina Richard Escarta at Ferdinand Oiang. Sila ang ilan lamang sa mga unang biktima ng pasistang rehimen ni Marcos.
Nararamdaman marahil ni Lisa ang panganib sa araw na iyon ngunit nagpatuloy pa rin siyang nanindigan. Ilang oras bago siya masawi ay sumulat siya ng liham sa kapirasong papel at nilagdaan niya ng Paalam Bayan, Paalam, Mama, Papa.
Pinabaunan si Lisa ng mga rebolusyonaryong awitin at mga luha ng pagdadalamhati ng mga naghatid sa kanya sa North Harbor. Habang inilululan sa MV Venus ang kanyang simpleng kabaong ay naalala ng mga kasama ni Lisa ang kanyang kabutihan. Mapagkumbaba, mahaba ang pasensya subalit determinado. Tagaayos ng mga alitan ng kanyang mga kamanggagawang babae.
Narito ang isang pahayag mula kay Ma. Lorena Barros, ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) at isa ring martir ng kilusang makabayan sa panahon ng pasistang diktadurang Marcos:
"Ipinagluluksa natin ang pagkamatay ng isang magiting na babae, si Lisa Balando ng Rossini's Knitwear na kamakailan lamang ay namuno sa mga kapwa niya manggagawa sa isang matagumpay na welga. Di natin malilimutan si Lisa dahil sa kabayanihang ipinakita niya sa harap ng kamatayan, samantalang ang mga pumaslang sa kanya ay kikilalaning mga Hitler ng makabagong panahon."
Patuloy na maglalagablab ang minsa'y winika ni Lisa: "Kamatayan lamang ang makapipigil sa akin upang tapusin ang martsa."
Kinalap ni: Joey Cunanan
MALENA
(pang-unawa o pang-uuyam?)
Sa nabanggit na pelikula, buong inam at husay na ginampanan ni Monica Belluchi ang kanyang role, bilang isang babae na naging biktima ng pagkakataon. Hindi lingid sa ating kapanahunan na may mga ganitong kahalintulad na mga pangyayari. Mga babaing sadyang pinagkalooban ni Bathala ng labis at higit pa na kagandahan na nararapat taglayin ng isang babae. Sa ibang termino, “sinahod” lahat ng kagandahan isinabog ni Bathala. Kalimitan sila ang tampulan ng tukso at pang-uuyam ng maraming taong nakapaligid sa kanila, na kesyo malandi, makiri at madaling makakapag-asawa dahil habulin ng mga lalake. Ngunit sino ba ang dapat sisihin sa taglay nilang kagandahan? Ang kanila bang mga magulang? Si Bathala? O sila mismo na may katawan? Si Malena, sang-ayon sa kuwento ay buhat sa isang mahirap na pamilya, hindi malinaw kung bakit siya napakasal sa isang sundalo, marahil “arranged marriage” ang nangyari (dahil doon sa larawan ng kanilang kasal, hindi gaanong kaguwapuhan ang kaniyang naging asawa, at isa pa, mukhang may edad na ang lalake). Hindi rin sinabi kung may nanay pa siya o mga kapatid. Ang kanyang kasalukuyang lugar sa kuwento ng pelikula ay isang bagay rin na puwedeng pagmulan ng diskusyon. Marami sa mga taong naninirahan doon ay magkakakilala, hindi ubra na umutot ka na hindi nila malalaman o “maaamoy”. Tila totoo ang kasabihang Pinoy na “may tainga ang lupa, may pakpak ang balita”. Madaling nalaman ng buong baranggay ang pagiging anak-dalita ni Malena, ang kanyang pagiging kalaguyo na umabot sa korte ang usapin, pati na ang kanyang pagiging biyuda (dahil agad natapos ang role ni Lt. Scordia na hindi man lamang naipapakita kung sino siya at kung ano ang kaya niyang gampanan sa pelikula). Dumating ang mga kalalakihan upang “makiramay”, ngunit hindi naman talaga ito ang pakay nila. Kanya-kanya sila ng alok, pati na si Ernesto ay nakidamay na rin. Pero iba ang dating ng kanyang (ni Ernesto) kilos, naging matured kaagad siya sa pelikula. Maging si Malena ay napilitan nang “mag-iba” ng direksiyon o pagtingin sa buhay (yung pagputol niya ng kanyang mahabang buhok), dahil naisip niyang wala nang kakalinga sa kanya. Kung noong una’y pinagpapantasyahan niya si Malena, biglang nag-iba ang kanyang pagtingin, humahanga na siya rito o “umiibig”(?!). Buong ingat na nailagay ang mga eksenang hindi angkop sa panlasa ng mga bata, lumabas na hindi naging laruan ang babaing bida at hindi siya nasalaula sa nasabing pelikula. Hindi ito katulad ng usapin tungkol sa demanda ni Abby Viduya (a.k.a Priscilla Almeda) na di-umano’y ginamit ang kanyang katawan ng Seiko Films upang kumita ang kanilang mga pelikula. Narito sa gawing ibaba ang ilang paghahambing:
Malena ibang kababaihan (sabi nila kay malena)
- maganda - maganda rin
- pustoryosa - di marunong mag-ayos/nang-aakit
- makinis ang balat - maarte, mapera
- seksi - malandi
- habulin ng mga lalaki - pokpok
- balo - naghahanap ng bagong kandungan
Ang ilang mga nabanggit na katotohanan ay sumasalamin sa kung anong uri ng lipunan mayroon tayo; mapag-imbot, mainggitin at makasarili. Hindi nito kinalulugdan ang makakita ng iba na umuunlad o gumaganda ang buhay, maging ang pagkatao. Sa gawing hulihan ng kuwento na kung saan mas maraming tao ang nadadawit sa pangalan ni Malena (abogado, dentista, sundalo), binansagan siyang “puta” ng mga kababaihan, lalo na nang wala na siyang makain, napilitan na siyang “kumapit sa patalim” para lamang mabuhay. Dumating din ang isang pagkakataon na pati mga “kalaban” nilang mga Aleman ay pinatulan na niya, upang hindi magutom, lalo pang nagging kumplikado ang usapin sa buhay ni Malena. Isang malungkot na tagpo ay nang si Malena ay hubaran, saktan, alipustahin, murahin at kulang na lamang ay patayin nang matalo at mapaalis na ang mga mananakop (na mga Aleman) sa kanilang lugar. Marahil naisip ng mga kababaihan na makakaganti na sila kay Malena, kapag pangit na siya, wala nang magkakagusto sa kanya. Ilang tanong din, ano ang ginawa ng kanilang lugar sa tulad niya na balo, walang hanapbuhay? Bakit walang ginawa ang mga kalalakihan? Dahil ba sa pinagsawaan na nila sa kanilang isipan ang kaakit-akit na katawan ni Malena? Hindi ako magtataka kung bakit walang ginawa si Ernesto dahil sa dalawang (2) kadahilanan, una, dahil bata pa siya at hindi niya kakayanin ang kuyugin ng sandamakmak na mga kababaihan. Ang karutin ka ng isang babae ay masakit na, ano pa kaya kung marami silang gagawa nito? Pangalawa, ang pagkakataong maiugnay siya o ang kanyang pamilya kay Malena, na siya’y sabihan na kumakampi sa isang “pokpok”. Na magmistula siyang “knight in shining armor” effect. Ngunit ano ba ang depinisyon ng salitang “pokpok”? Sang-ayon sa www.urbandictionary.com ay salitang “pokpok” ay may dalawang pakahulugan, una, a slutty girl (taken from Tagalog slang). “A pokpok is a girl that wears glass heels”. At pangalawa, prostitution; could also mean bonking the person on the head. Alin man sa dalawang pakahulugan ang ating gamitin, hindi pa rin ito sasapat na gawing isang malaking usapin ang pagiging “pokpok”, kung hindi rin naman alam ang malinaw at malalim na kadahilanan. Isa pang tanong, bakit sa mga babae lamang pilit na iniuugnay ang salitang “pokpok”? hindi ba ubra rin ito sa mga lalaki? Hindi ba nagpapakita lamang ito ng mababang pagtingin sa mga taong ganito ang paraan ng pamumuhay lalo’t higit ang mga babae at mga batang nagiging biktima nito? Ano ang pagtugon ng ating pamahalaan? Ng ating mga simbahan? Tayong mga indibidwal? Ano ang ibinibigay natin sa kanila? Pang-unawa ba o pang-uuyam?
Submitted by : Submitted to:
Joey Y. Cunanan Prof. Lizette Tapia-Raquel
M. Div. III Professor
VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN
Ano nga ba ang ibig tukuyin nito? Una, maliban sa ito ay tumutukoy sa karahasan laban sa mga kababaihan (at mga bata), ito rin ay tahasang pagyurak sa kanilang karapatan na maging malaya at kapaki-pakinabang sa kanilang ginagalawang lugar at lipunan. Karahasang ramdam hindi lamang ng mga kababaihan, kundi lalo’t higit ng mga batang walang (tuwirang) kinalaman sa ganitong suliranin. Ngunit ito ang malungkot na nangyayari, ito ang katotohanang nakakubli sa likod ng naglalakihang mga istraktura, sa likod ng mga ngiting mapapait, maging sa mga komersiyal na mapanlinlang ay makikita at mararamdaman ito (kung hindi ka manhid). Sa ganitong tagpo ay nais kong gamitin ang ilang mga pananalitang hiram o banyaga sa pagtalakay ko sa nasabing paksa. The cultures of the first century treated women more like objects than as human beings. “In Greek civilization the duty of the woman was “to remain indoors and to be obedient to her husband.’ It was the sign of a good woman that she must see as little, hear as little and ask as little as possible. She had no kind of independent existence and no kind of mind of her own, and her husband could divorce her almost at caprice…” “Under the Roman law a woman had no rights. In law she remained for ever a child. When she was under her father she was under the patria potestas, the father’s power, which gave the father the right even of life and death over her; and when she married she passed equally into the power of her husband. “She was entirely subject to her husband and completely at his mercy. Cato the Censor, the typical ancient Roman wrote: “If you were to catch your wife in an act of infidelity, you can kill her with impunity without a trial’” (William Barclay, The Daily Study Bible Series, 1976, Vol. 14). Standards of the Roman world discriminated against women in other ways too. “Compared with the modern woman in today’s Western society, the Roman woman had little or no property rights. Goods or money that she could legally inherit were legally limited. She was not even allowed to leave money to her children if they were under her husband’s patria potestas” (Alvin Schmidt, How Christianity Changed the World, 2004, p. 101). In the first century, Judaism had drifted considerably from the pure practice of the religious principles of the Old Testament, which protected the rights of women. Thus in Jesus’ day, Judaism looked down on women. For example, the testimony of Jewish women was generally considered worthless, so they were generally not allowed to testify in court. This discrimination about speaking worked in reverse too. Women were not thought worthy to receive spiritual instruction. “Let the words of the Law (Torah) be burned rather that committed to a woman… If a man teaches his daughter the Law, it is though he taught her lechery” (Schmidt, p. 102). The most vulnerable human beings in a society are its infants and young children. Treatment of the young could be brutal and cold-hearted in Greco-Roman society, “infants were killed for various reasons. Those born deformed or physically frail were especially prone to being wilfully killed, often by drowning… Infant girls were especially vulnerable. For instance, in ancient Greece it was rare for even a wealthy family to raise more than one daughter” (Schmidt, p.49). In Roman culture, “a wealthy father might decide to dispose of an infant because of the desire not to divide the family property among too many offspring and thereby reduce the individual wealth of the members of the next generation” (Sarah Pomeroy, Goddesses, Whore, Wives and Slaves: Women in Classical Antiquity, 1975, p. 165). Equally cruel was the practice of abandoning infants. “If unwanted children in the Greco-Roman world were not directly killed, they were frequently abandoned-tossed away, so to speak. In the city of Rome, for instance, undesirable infants were abandoned at the base of the Columna Lactaria, so named because this was the place the state provided for wet nurses to feed some of the abandoned children” (Schmidt, p.52). Infanticide and child abandonment did not exist among Jews of the first century. Author Max Dimont shows us the contrast: “The grateful Greeks laughed at the ‘graceless’ Jew for recoiling in horror at the Greek custom of exposing an infant to death when the shape of its skull or nose did not please them” (Max Dimont, Jews, God and History, 1994, p. 108). Sa madaling pag-aanalisa, makikita natin kung paano ang ginagawang pagtrato sa mga kababaihan at mga bata noong sinaunang panahon. Ang kulturang ito ng karahasan ay magpapatuloy at magpapaikot-ikot lamang ito tulad ng isang gulong kapag wala tayong ginawang hakbang o pagkilos upang ito ay masawata, kung hindi man tuluyang mawala sa ating kultura at pagkatao. Dito nararapat na kumilos agad ang simbahan, huwag magtulug-tulugan. Saying ang maraming mga tinig ng mga kababaihan at mga batang nagging biktima ng kawalang pagkilos ng simbahan at ng mga taong nakapaloob dito.
isinubmit ni: JOey Cunanan
para kay: Prop. Lizette Tapia-Raquel
Post a Comment